Ang may-akda ay tubong pilipinas na pinalad na makapaglakbay sa buong mundo at maintindihan ang kaligayan at kasaganahan sa buhay sa paraan ng sikap at tiyaga at hindi dahil sa mga paniniwala sa bibliya at simbahan.

Ang blog na ito ay sinulat upang ibagahi ang tamang kaalaman tungkol sa paniniwala na walang diyos. Ang mga nasusulat dito ay base sa matagal na masusing pananaliksik sa amerika, europa at asia ng may-akda sa pamamaraan ng siyensiya, pilosopya at kasaysayan.

Isang disiplina ng pag-aaral na ang tawag ay Orihinemolohiya, o ang “pag-aaral ng pinagmulan ng konsepto o ideya”, ang naibento o na diskubre ng may akda na isang guro sa siyensa at isang radikal na freelance thinker na Orihinemolohista.  Ang  pagaaral na ito ay natuklasan niya mula sa eksperimento kung paano ang isang asong turuan ay nagpapasa ng tinurong impormasyon sa kapwa aso.

Ang Orihinemolohiya ay isang pag-aaral na humihingi ng mga partikular na katanungan kagaya ng:
1. Sino ang nagimbento ng konsepto o paniniwala?
2. Kailan naimbento ang konspeto o ideya na ito?
3. Saang lugar nadikubre ang konsepto o notion na ito?
4. Bakit nadiskubre o naimbento ang konsepto o bagay na ito?
5. Paano itong ideya o paniniwala ay nakonsepto?

Sa isang mas malawak na kahulugan, ang orihinemolohiya ay may dalawang bahagi:
1. Ito ay tumatalakay sa mga artipisyal na kapanganakan o pinagmulan ng lahat ng mga nosiyon, ideya, o konseptong ginawa ng tao kagaya ng impormasyon, wika, numero, imahinasyon, pag-uugali, damdamin, at paninawala sa diyos at ibang mga kababalaghan. Paano ba ang lahat na ito ay nakonsepto ng tao?
2. Ito din ay tumatalakay sa natural na pinagmulan ng lahat ng bagay o nilikha ng kalikasan. Mga halimbawa ay ang ating universe, mga halaman, mga hayop, mga tao. Saan ba tayo nagmula o galing?

Ang Orihinemolohiya ay isang kross-disiplina ng pananaliksik ng antropolohiya, arkeolohiya, heograpiya, at historiya. Ang pangunahing layunin nito ay upang isaayos isa’t isa ang bakas ng isang konsepto na inimbento ng tao paatras mula sa kapanganakan o pinanggalingan ng isang simpleng ideya, pag-uugali o paniniwala hanggang sa umuusbong ito sa mas kumplikadong istraktura ng paniniwala.Ang apat na pangunahing haligi o axioms na sumusuporta sa likod ng Orihinemolohiya ay binubuo ng:
1. Kodeksasyon – paano ang abstrakt na ideya ay sumasalin sa isang pisikal na bagay o gamit.
2. Dualpares – ang pagpapares ng dalawang bagay para lumikha at lumago.
3. Viehenesis – ang teorya na galing ang lahat sa dalawang bagay: mula sa wala at sa meron.
4. Inlearning – ang pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pagdiskubre at pagsasalin.

Ang paaralan na ito ng pag-iisip ay makakatulong din sa pagbibigay ng bagong liwanag tungkol sa limang pangunahing katanungan ng ating mga ninuno:
1. Ano o sino ang lumikha ng buong sanlibutan?
2. Paano lahat ng bagay ay nilikha?
3. Saan ang tao nanggaling?
4. Bakit ang tao ay linalang?
5. May diyos ba o wala?

Ang isang magandang halimbawa ng Orihinemolohiya ay ang salitang “People’s Power”. Sino, saan, kailan, bakit at paano nakonseptualize o nadiskubre and ideya na ito. Mula sa panahon na sumibol ang tao sa mundo at naging sibilisado, ang salitang people’s power ay hindi alam mulat-mula sa buong mundo hanggang dumating ang taong 1986 kung saan ang mga tao sa pilipinas ay nagalsa laban sa diktadura sa pamamagitan ng mapayapang rebolusiyon. Ibig sabihin ang salitang people’s power ay nadiskubre o nagmula lamang sa pilipinas at ang pilipino ang kauna-unahang ehemplo nito.

Ang isang pang salita na naging tanyag na orinihal na ng galing sa pilipinas ay ang salitang “imeldific”. Ang kataga na ito ay opisyal na nailagay na sa diksyonaryo. At ang ibig sabihin nito ay isang tao na sobrang gastador para sa pangsariling karangyaan. Ang salita ay nahango mula sa dating unang ginang ng Pilipinas Imelda Marcos na nakilala sa pagkakaroon ng pinaka maraming mamahaling sapatos sa buong mundo. Sa simpleng mga impormasyon na ito, masasagot kaagad natin ang limang partikular na katanungan na sumasaklaw sa historiya ng salitang imeldific sa pamamagitan ng proseso ng orihinemolohiya.

Sa pamamagitan ng mga halimbawang nasaad, ang prosesong ginagamit sa pananaliksik ng orihinemologiya ay magagamit din sa pagpapatunay kung saan nanggaling din ang konsepto tungkol sa diyos, bibliya, Jesu Kristo, Adam at Eve, Unicorn, Santa Claus, Christmas, at iba pang imahinasyon na ginawa ng tao. Lahat ng ito ay tatalakayin dito sa site ng may akda.