Pekeng Bibliya, Pekeng Simbahan, Pekeng Pastor Sunday, Apr 8 2012 

Ang lahat ng Kristiyano na hindi  Katoliko ay gumagamit ng pekeng bibliya, sumasamba sa pekeng simbahan at naniniwala sa mga pekeng pastor o pari.

Lahat na ito ay hindi kasinungalinan !!!!

Kung hindi ka naninawala, tanungin mo ang iyong sarili kung:

1. Ang bibliya mo ba ay may Imprimatur na marka? …. kung wala  … ang bibliya mo ay peke.

Ang tunay na Bibliya ay minarkahan ng simbolo ng Imprimatur na nagpapatunay na ito ay lehitimong banal na kasulatan. Ang King James Version o KJV, ang bibliya ng protestante, ay walang Imprimatur na logo. At ang lahat ng mga bibliya na sumusunod pagkatapos ng Bibliya ng Katoliko ay pawang mga peke at gawa ng demonyo.

2. Ang simbahan mo ba ay universal, apostolic, one and holy? … kung hindi … ang iyong simbahan ay peke.
Batay sa bibliya ng unang Katoliko, ang tunay na simbahan ay itinatag ng Diyos sa pamamagitan ni Peter, ang unang Pope, at itinayo sa Vatican. Ang tunay na simbahan ay dapat universal … na ang ibig sabihin ay sa bawat bansa, sa bawat siyudad, at sa bawat kasuksulukan ng mundo … may nakatayong simbahan.

Kung ang iyong relihiyon ay walang simbahan sa Asya, Africa, Europa, America, Australia at ang Polinesyan at Micronesian Islands ng Pacific, ito ay nagpapatunay na ang simbahan mo ay isang kulto at gawa ng demonyo.

3. Ngayon tignan naman natin kung impostor ang iyong pastor …. Sino ang awtoridad na nagbigay pahintulot  na mangaral siya ng salita ng diyos? … at … Sino ang awtoridad na nagbigay pahintulot  na mangaral ang iyong simbahan ng salita ng diyos? 

Kung ang iyong pastor ay magsabi na ang Diyos ang nagbigay sa kanya ang kapangyarihan upang mangaral … ang iyong pastor ay delusional …

kung ang iyong simbahan ay itinatag sa pamamagitan ng iyong pastor na walang anumang awtorisasyon mula sa Vatican ….. ang iyong simbahan ay pekeng simbahan…

at dahil dito … ang iyong pekeng pastor at pekeng simbahan ay ginagamit lamang ni Satanas para linlangin ang mga tao na naniniwala sa diyos.

El Shaddai: Katoliko, Jew o Kristiyano? Monday, Feb 20 2012 

Ang buong mundo ay binubuo ng anim na pangunahing mga kontinente, na tinatahanan ng mga tao na may iba’t ibang kulay, kultura, wika at mga sistema ng paniniwala. Dahil sa mga ito, may mga bilyun-bilyong mananampalataya na naniniwala sa ibat ibang klase ng diyos at diyosa, at libu-libong tao din ang kasapi sa iba’t ibang simbahan na hindi kristiyano sa buong mundo. Itong mga organisadong simbahan ay gumagamit ng ibat ibat version ng bibliya na isinalin sa ibat-ibang kabanata daang-daan na tao mula sa Hebrew, Griyego, Latin, Aleman at lahat ng iba pang mga wika na kung saan ang orihinal na teksto at nilalaman ay malamang nagbabago habang ito ay sinasalin sa ibat-ibang salita. Kung ang bawat kultura ay may sari-sariling diyos o diyosa, may sariling interpretasiyon at paniniwala sa nakasulat sa kanilang banal na libro at may sari-sariling grupo, kongregasiyons o simbahan, paano natin matutukoy ngayon kung alin ang tunay na Biblia, alin ang tunay na simbahan at sino ang tunay na Diyos?

Ang Diyos ba ay Katoliko? Protestante? Jew? Muslim? Buddhist? Hindu? O, isang Kristiyano?

1. Tignan naman natin kung sino ang unang pinaniniwalaang sugo ng diyos na pinanganak:

  Noong 3000 BC, si Khrisna ay ipinanganak. Siya ang nagtatag ng Hinduismo.

        2000 BC, si Abraham ay ipinanganak. Itinatag niya ang Judaismo.

         560 BC, si Buddha ay ipinanganak. Itinatag niya ang Buddhismo

          30 AD, si Kristo ay ipinanganak. Sa pamamagitan ni Constantinople, ang Katolisismo ay naitatag.

         500 AD, si Muhammad ay ipinanganak. Tinatag niya ang Islam.

2. Ito naman ang Timeline o historya ng mga pangunahing kilalang simbahan, ang pangalan ng tagapagtatag, anong taon sila naitatag at saang lugar nagmula silang itatag.

Hinduism — Unknown, 3000 BC, India

Judaism – Abraham, 2085 BC, Middle East

Buddhism – Sidhartha Gautama – 560 BC, India

Taoism – Lao Tzu – 550 BC, China

Roman Catholic – Constantine, 590 AD, Rome

Islam – Mohammed – 610 AD, Saudi Arabia

Orthodox- Michael Cerularius, 1054, Judea

Protestants, Martin Luther, 1517, Germany

Swiss Reformed – Zwingli, 1523, Switzerland

Anglicanism – Henry VIII, 1534, England

Calvinism; Dutch Reformed – Calvin, 1536, Switzerland

Presbyterians – John Knox, 1560, Scotland

Baptists – John Smith, 1605, Holland

Episcopalians – Seabury, 1620

Quakers – George Fox, 1647

Freemasonry – Albert Pike, 1700,Scotland

Shakers – Ann Lee, 1784

Methodists – John Wesley, 1739, England

Unitarians – Lindsay, 1774

Mormons or Latter-day Saints – Joseph Smith, Jr. 1830, USA

Christian Church – Campbell and Stone, 1832

Seventh Day Adventists – Ellen White, 1860, USA

Jehovah’s Witnesses – Charles Russell, 1870, USA

Salvation Army – Rev. General William Booth, 1865, England

Christian Science – Mary Baker Eddy, 1879, USA

Unity School of Christianity – Fillmore, 1889

Pentecostals – Charles Parham, 1906, USA

Iglesia – Felix Manalo, 1914, Philippines

Worldwide Church of God – Herbert W. Armstrong, 1934, USA

Unification Church – Sun Myung Moon, 1954, South Korea

Scientology – Ron Hubbard, 1955, USA

Church of Satan – Anton LaVey, 1966, USA

Hare Krishna – Swami Prabhupada, 1968, USA

3. Ito ang listahan ng iba’t-ibang bersyon ng Bibliya.

Hebrew Manuscript – 500 BC – OT 39 books

Septuagint – 200 BC –  Completion of 39 OT + 14 Apocrypa

Greek Manuscript – 100 AD – NT 27 books

Vulgate- 390 AD- Latin manuscript of 39 OT + 27 NT + 14 AP

500 AD – bible translated into 500 languages

Martin Luther’s Bible- 1522 – German translation

King James Version (KJV)- 1611 – Most widely used version 66 books

Revised Version (RV) – 1885 – First major revision of KJV

American Standard Version (ASV) – 1901 First american revision of KJV

Revised Standard Version (RSV)- 1952 

New American Standard Bible (NASB) – 1971 Modern english translation word for word

New International Version (NIV) – 1973  Modern english translation thought for thought

Jerusalem Bible- 1966 – First version of the Bible commisioned by the Catholic Church

New King James Version (NKJV) – 1982 Modern english version of KJV

New Revised Standard Version (NRSV)- 1990 

* Mula sa timeline na ito, malinaw na may mga ibat ibang diyos, may mga ibat ibang bibliya at may mga ibat ibang imbahan sa buong mundo. Ang iba’t-ibang kultura, relihiyon at paniniwala ay natural lamang na sumibol dahil sa resulta ng kapaligiran na kanilang ginagalawan. Ito ay isa lamang sa mga ebidensiya sa prinsipyo na sumasaloob sa pagaaral ng Orihinemolohiya (Lawsinismo 2000).

 

Disclaimer: Ang mga artikulo sa site na ito ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas sa lugar na ito para sa mga bagong tala. Kung nais naman nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng intelehenteng talakayan o pagaaral, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda ito sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na: Atheista: Filipino Edition, Lawsinismo, 2000, USA.

Unang Pinoy Atheist Tuesday, Feb 14 2012 

Noong ako ay bata pa, madalas ikwento ng tatay ko ang ibat ibang paniniwala ng aking lolo tungkol sa mundo na ginagalawan nya. Isa na rito ay ang konsepto na tayo ay linikha ng Kalikasan at hindi ng isang Diyos. At ang isang prinsipyo na tumatak sa isipan ko na laging nyang ginagamit sa anumang argumento tungkol sa relihiyon ay ang mga katagang: ” Gold begets Gold

Mula noon ito ang naging gabay ko sa aking paniniwala. At tama nga ang lolo at tatay ko – “Kung ano ang pumasok ay siya rin ang lalabas”. Kung tayo ay galing sa kalikasan ang kalikasan ang gumawa sa atin.

Pero paano natin mapapatunayan ito. Bilang isang guro ng sisyensa, inhinyero at manunulat, at ang aking malawak na karanasan sa ibat ibang sangay ng teknolohiya ay naging daan upang isulat ko at ituwid ang maling paniniwala na may diyos. Ang Pilipinas mismo ay isang ebidensiya na bakit walang diyos. At dahil sa aking matagal na masusing pananaliksik, naimbento ko ang isang pagaaral na tinawag kong Originemolohiya

Hindi ko naabutan ang aking lolo ng ako ay bata pa. Namatay siya noong 1896, ang taon kung kailan binaril si Jose Rizal. Kaya lahat ng impormasiyon na ibabahagi ko dito ay galing sa aking amain na isang panatiko ng bibliya

Sabi ng tatay ko, ang buong sanglibutan ay linikha ng isang makapangyarihang diyos na may powers o magik. Linikha nya ang buong kalikasan sa loob lamang ng pitong araw. Ang pitong araw ng paglika ng diyos ay ang mga sumusunod:

1. Langit at mundo

2. Tubig

3. Halaman at puno

4, Bituin at araw

5. Mga hayop

6. Tao

7. Araw ng pahinga

Ito ay base sa bibliya ng mga protestante: ang King James Version

Sabi ko naman sa kanya na may mali sa kuwento: “Bago mo makita ang lahat ng mga bagay, dapat may isang source na pinagmumulan ng liwanag

Ang sagot nya: ” Tama ka doon. Sa ikatlong istansa ng Genesis, ang sabi ng diyos ay “magkaroon ng liwanag”. Kaya ayun nagkaroon ng liwanag

“Kaso saan galing ang liwanag

Sagot ng tatay ko: ” Eh, di sa araw

“Teka, akala ko ang araw ay linikha sa pang-apat na araw “Ay, oo nga pala, hehehe!” Sabay buklat sa pahina ng bibliya: “Ang sabi sa ikalimang istansa ng Genesis, ang kaliwanagan ay tinawag nyang umaga at ang kadiliman ay tinawag nyang gabi! Hmmm…pero hindi nakasaad kung saan nang gagaling ang liwanag. Alam ko ang buong kalawakan ay isang malamig at madilim na lugar, kaya maaring sa diyos mismo nang gagaling ang liwanag

“Okey, ilagay na tama ang pananaw ninyo. Ang ibig sabihin ba nyan ay ang diyos ay may daladalang sariling ilaw, flashlight o lampara kaya? O di kaya para siyang isang firefly na nababalot ng liwanag kagaya ng ibang mga bioluminiscent na mga hayop? Kung ganoon hindi siya tao? Ano siya

“Hay naku anak! para kang lolo mo namahilig magtanong ng magtanong. O sige magsaing ka muna at nagugutom na ako. Itutuloy na lang natin ang talakayan na ito mamaya punto por punto

“Totoo yan tay! Nagmana yata ako sa lolo ko! Kaya nga siya ang naging inspirasyon ko sa aking panaliksisk para lang patunay ang katotohanan ng bibliya at ng diyos. Kung ako ang masusunod dapat lamang na makilala si lolo Ramoncito Sr Lawsinismo bilang Ang Unang Atheista o Naturalist ng Pilipinas” ….  Hahaha …

Advocacy ng Atheista Sunday, Feb 5 2012 

Maraming nagtatanong kung ano ba ang adbokasiya o adhikain ko kung bakit ko tinutuwid ang maling paniniwala sa bibliya at pilit na binubuwag ang indoktrinasyon na unti-unting inilalagay sa isip ng ating mga kababayan na walang kamalay-malay sa kasinungalingan at panglilinlang ng mga organisadong simbahan na ito.

Pinaglalaban ko na ang pagtuturo ng relihiyon sa mga publikong at pribadong iskuwelahan ay dapat ituwid o maging pantay sa mga usaping tungkol sa ibat ibang klase ng pananampalataya para bigyan daan ang karapatan ng isang tao na sundin ang kanyang sariling paniniwala na walang hadlang mula sa institusyon ng edukasyon, ng gobyerno o kahit ng simbahan.

Pinaglalaban ko rin na lahat ng sangay ng gobyerno at publikong pagaari ng pamahalaan ay di dapat pagkikitaan ng mga simbolong konektado sa relihiyon kagaya ng krus, rosaryo o bibliya. Kung ito ay pinahihintulutan dapat lahat ng ibat ibang relihiyon sa pilipinas ay may karapatang isama ang simbulo ng kanilang pananampalataya kahit sa perang ating ginagamit.

Kinukumbinsi ko ang mga guro at opisyal ng gobyerno na baguhin at maglimbag ng isang standard na libro na magtuturo ng historiya at ideyolohiya ng ibat ibang relihiyon kagaya ng kristiyanismo, Judaism, at Islam na gagamitan ng iskuwelahan sa buong pilipinas upang mapagaral ng bawat Pilipino ang tama at mali ng paniniwala.

Kinukumbinsi ko rin na gamitin ng ating mga talentong guro ang kanilang karunungan at ekpertise na gumawa ng mga libro sunod sa ating kultura at pananaw at iwasan ang anumang pagaaral na maybahid banyaga upang ang Kritikal na Pagiisip ay maisalin ng tama sa ating mga kababayan. Ang gobyerno ng edukasyon at ng pamahalaan ay dapat maglaan ng budget para sa mga librong ito na isusulat ng ating mga guro.

Pinaglalaban ko rin na maging mandatoriya ang “Research and Development” sa bawat institusyon ng edukasyon upang sa ganuon ang ating bansa ay hindi na didipende sa kalakalan ng ibang bansa. Pagnangyari ang specialization na ito sa mga kolehiyo at unibersidad, ang kababayan natin ang makikinabang sa mga produkto at serbisyo na maiimbento dito. Ang pagunlad ng Pilipinas ay mapapadali.

Ang wikang Tagalog ay dapat maging pangunahing wika na tinuturo sa iskuelahan sa buong bansa at hindi Ingles. Pumapangalawa lamang ang katutubong dialekt ng isang probinsiya. Ang wikang Ingles at ibang banyagang linguahe o dayalekt ay dapat ituro lamang sa mataas na antas ng edukasyon kagaya ng bokasiyonal at kolehiyo. Kung may isang sariling wika, ang pagkakaintidihan ay malilinawagan, ang produksiyon ay mapapabilis at ang paguunlad ay mapapadali.

Ang pinakaimportante sa lahat, ang pagiging self-reliant at paghubog ng Critical Thinking sa ating mga kababayan ang dapat bigyan pansin ng ating gobyerno ng sa ganuon ang ating bayan ay umunlad. Ang edukasyon na bukas sa anumang pananaw ay magbibigay daan ng katotohanan at kagalingan ng pagiisip ng ating kabataan at mamamayan.

Ang walang kwentang pagubos ng panahon at oras ng ating mga kababayan dahil sa maling paniniwala ay dapat masugpo at ibaon na sa limot. Ang buhay na may diyos o walang diyos ay halos pareho lamang. Subalit mas masaya at mabilis ang pagunlad ng isang tao o ng isang bansa kung ang paniniwala sa diyos na humahati sa ating mamayan ay ating maiisang tabi, sa kadahilanang:

Una, imbis na ang pilipino ay maging isang self-reliant na tao, mas minabubuti nya pa na ilagay lahat ang kanyang talino at kakayahan sa kamay ng kanyang diyos. At dahil dito pag hindi siya umasenso sa buhay, ang katwiran nya ay nagiging:  “Ito ang gusto ng diyos para sa akin, wala akong magagawa”.

Pangalawa, imbis ang pilipino ay magsumikap upang ihaon nya ang sarili sa kahirap, ano ang kanyang laging sinsambit: “Kung ito ang gusto ng diyos para sa akin, sino ba ako para di sumunod”.

Pangatlo, imbis na ang pilipino ay maging isang mahusay na indibidual sa larangan ng kanyang sining,  pasiyon o industriya, ito ay naiisang tabi sa kadahilan na: “Hmmm…kung ito ay hindi para sa akin, alam ko ang diyos ay may mas magandang laan para sa akin”.

Pangapat. kung walang relihiyon, ang bansang pilipinas ay hindi mahahati dahil lamang sa isang paniniwala.

Dahil pilipino ka, alam ko na alam mo ang ibig kong sabihin dito.

Ang Buhay ay napakaganda at napakasaya. Lahat ng gusto mo sa buhay ay mapapasaiyo kung magiisip at kikilos ka lang ng tama. Kung hinihintay mo na mapunta ka sa langit upang maranasan lamang ang buhay na walang kahirapan, nagkakamali ka kapatid. Ang buhay ng kasaganahan sa langit ay nasa lupa din! Walang pagkakaiba doon at dito!

Kung ayaw mo maniwala … pagisipan mo muna ng sandali … bago mo sabihin na mali ako!

Salamat Kaibigan!

Atheon Lawsinismo

 

Disclaimer: Ang mga artikulo sa site na ito ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas sa lugar na ito para sa mga bagong tala. Kung nais naman nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng intelehenteng talakayan o pagaaral, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda ito sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na: Atheista: Filipino Edition, Lawsinismo, 2000, USA.

Kristo: Pekeng Messiyah Thursday, Feb 2 2012 

by Lawsinismo

Maraming namamanlapataya ang naniniwala na ang tunay na pangalan ni Jesus ng bibliya ay Jesus Christ.

Subalit, unang-una ang pangalang “Jesus Kristo” ay wala sa bibliya.

Pangalawa, ang pangalang Jesus Kristo ay hindi firstname at lastname ng messiah.

Pangatlo, ang pangalang Jesus ay wala sa bokabularyo ng mga Hebrew.

Pangapat, ang alpabeto ng Hebrew ay walang letrang “J”.

Panglima, ang pangalan na binigay ng diyos ama ni Jesus ay Emmanuel.

Kung ang mga rebelasiyon na ito ay totoo, sino ang tunay na Kristo na pinagdadasalan ng mga deboto ng simbahang Kristiyano?

Sa sinaunang Hebreo, ang pagbuo ng pangalan ay ginagawa sa pamamagitan ng paglagay ng katangian ng isang tao kasunod sa kanyang unang pangalan. Ang katangian o label na ito ang kumikilala ng pangalan niya kumpara sa ibang tao na may parehong pangalan. Halimbawa nito ay kung ang tatlong tao ay mayparehong pangalan na Pedro. Paano mo matutukoy ang isa sa bawat isa? Para masolusiyunan ang problema na ito, ang katangian ng kanyang magulang o di kaya ang unique na katangian niya ang ilinalagay kasunod sa unang pangalan nito. Kung si Pedro ay anak ng karpentero, ang magiging pangalan niya ay si “Pedro anak ng karpentero”; kung ang nanay ni Pedro ay labandera, ang maaring pangalan ni Pedro ay si “Pedrong anak ng maglalaba”; o di kaya kung si pedro ay bulag o pilay, maari siyang tawagin na si “Pedrong Bulag” o si “Pedrong Pilay”..

Kahit na sa araw na ito, mayroong ilang bahagi ng mundo kung saan ang mga tao ay hindi nagkaroon ng isang lastname. Karamihan sa mga remote na lugar na ito ay gumagamit ng mga natatanging sistema na makilala ang kanilang sarili mula sa isat isa. Kung ang ang ama ni juan ay isang magsasaka, ang bata na ito ay tatawagin na si “Juan, ang anak ng magsasaka”. Kung si juan ay laking anak-araw, ang pangalan niya ay magiging si “Juan ang anak-araw”.

Gayun din dito sa Pilipinas, bago sinakop ito ng mga banyaga, ang ating mga ninuno ay gumagamit din nitong paraan ng paglalagay ng label o katangian sa pangalan ng kanilang anak. Kahit ngayon na nasa modernong sibilisasyon na ang ating bansa, marami pa rin lalo na yung mga nakatira sa bundok at mga ilang na lugar ang gumagamit pa rin nitong systema ng pagpapangalan. Sa mga probinsiya, naririnig pa rin natin kahit ngayon ang mga pangalan kagaya ng mg sumusunod: si Petrang anak ng Pedro, si Juang albularyo, si Mariang walang palad, si Rahah Soliman ng Palawan o si Datu Puti ng Kabisayaan. Itong mga pangalan na nabanggit ay nagpapatunay lang na ang pangalan noong mga sinauna ay binubuo lamang ng label at hindi ng apelyido.

Ngayon saan kinuha ni Hesus ang pangalang “Jesus” at apelyidong “Kristo”?

Tandaan na ang Bibliya ay unang sinulat sa Hebrew. Ito ay nangangahulugan na ang lahat ng mga passages sa Biblia ay hindi nakasalin sa salitang Ingles. Ang mga verses ay sa Hebrew. At sa alpabeto ng Hebrew, ang titik “J” ay di kasali sa mga letra nito. Dahil dito malamang na ang pangalang “Jesus” ay nagmula sa pangalang Hoshua o Joshua sa ingles na ang ibig sabihin ay salbasiyon. At sa paglipas ng panahon ito ay naging Yehoshua. At kung pagaaral mo ang historya ng Hebrew o Aramic, ang pangalan na Jesus ay hindi mo matatagpuan sa kahit na anong salita o aklat nila. Ito ay nagpapatunay lang na kahit sa kanilang pangaraw-araw na bokabularyo, ang pangalang Jesus ay hindi nageexist. At kung mayroon ngang pangalang Jesus noon ang dapat naging tawag sa kanya ay si “Yoshua ang anak ng karpintero” o si “Yoshua anak ni birheng Maria”. Subalit kahit saan sa lumang tipan, ang pangalang “Jesus Christ” ay di mo makikita o mababasa.

Ngayon, saan galing ang apelyidong Kristo o Christ?

Ang Judaism ay naniniwala sa pangako ng kanilang Diyos tungkol sa salbasiyon sa “promise land”. At isang “mesiyas” o taong magdadala sa kanila sa pangakong lupa. Ang magiting na tao na ito ay mangagaling sa linya ni David. At katagang Mesiyas sa Hebreo ay salin sa salitang “Moschiach” na ang ibig sabihin ay “anointed”. Kaya kung isasalin natin ang pangalang “Jesus ang Mesiyas” sa hebreo, ang magiging tamang pangalan ni Jesus Christ ay “Yehoshua Moschiach”. Subalit, uulitin ko uli na walang pangalang Jesus o Kristo sa Hebrew.

Ang pangalang Jesus Christ ay lumabas lamang ng idagdag ang Bagong Tipan o New Testament ng Katoliko sa lumang tipan ng Judaism. Ang buong bagong tipan ay sinulat sa “Koine” o salitang griyego. Subalit ang pagsalin ng salitang Hebrew sa Greek ay hindi madali sa panahon noon. Ito ay ginagawa sa pamamgitang ng dalawang sistema: ang translasiyon at transliterasyon. Sa sistema na ito, maaring mawala ang pagbibigkas ng isang salita o ang buong kahulugan ng salita. Kaya ang salitang Yoshua ay naging Iesosus, kung saan ang huling kataga ay kasingtunog ng kanilang Diyos na si Zeus.

Pagdating ng mahabang panahon, ang lumang tipan at ang bagong tipan ay napagsama sa isang libro na ang tawag ay “Vulgate”. Ito ang kaunaunahang bibliya ginawa ng Romano Katoliko. Ang linguaheng ginamit sa bibliya na ito ay ang salitang Latin. Dito nabuo ang pinagsamang Yehoshua (yahweh-saves) at Khristos (anointed) o sa inglish ay “The Anointed Savior” na naging “Christ the Savior” o Iesus (savior) Khristos (kristo) o “Iesus Kristo”.

Nang dumating ang taong 1600, ang letrang “I” at “Y” ay napalitang ng letrang “J” ng naibento ang salitang english. Nalimbag ang bibliyang King James Version (KJV), na gawa ng mga protestante at di ng katoliko, at lahat ng pangalan sa bibliya na nagsisimula sa I or Y ay naging J. Ang salitang Iesus ay naging Jesus at at ang salitang Kristo ay naging Christ. At dahil dito nabuo ang salitang “Jesus Christ” na naging pangalan ng isang nilalang na pinanganak sa sabsaban.

Kaya kung magdadasal kayo ngayong gabi, magisip-isip kayo ….

Dapat ba manalangit kayo kay Yehoshua ang Moschiach ….. o sa pekeng pangalan na Jesus Christ.

Hmmm …. ngayon alam mo na kung bakit ang iyong mga panalangin ay hindi nasasagot ng iyong panginoon, nagdadasal ka pala sa maling anak ng diyos!

At ang nakakatawa pa, sinabi ng isang anghel kay birheng Maria na ang isisilang nyang anak ay dapat pangalanan na “Emmanuel”. Kaso, hindi siya nakinig! Kaya ayun, imbis ang mga mananampalataya ay nagdadasal kay Yehoshua Moschiach ang kanilang panalangin ay nabaling kay Jesu Kristo…lol.

Kristianismo: Ang Kulto Saturday, Jan 28 2012 

by Lawsinismo

Ang Kristiyanismo ba ay isang kulto?
Ano ba ang Kulto?
Ang simbahang katoliko ba ay isang kulto?
Ang simbahang protestante ba ay isang kulto?
Ang Iglesia ni Kristo ba ay isang kulto?
Ang “born again” ba o at ibat-ibang grupo ng mga Kristiyano ay isang kulto din ba?

Paano ba natin malalaman kung ang isang organisasyon o grupo ay nabibilang sa isang kulto. Ano ba ang mga katangian o palatandaan ng isang Kulto? Ang protestante ba at ang ibang relihiyon na kumalas sa tunay na simbahang Katoliko Romano ay mabibilang na kulto? Ang Katoliko ba ay isang kulto din?

Bago natin sagutin lahat ang mga katanungan na ito, pagusapan muna natin kung ano ba ang mga katangian ng isang Kulto:
1. Ang kulto ay sumasamba sa isang bagay kagaya ng rebulto ng tao, hayop, cross, unggoy, elepante at iba pang bagay na tinuturing na diyos o panginoon.
2. Ang kulto ay nagaganap madalas kung saan may kandila, apoy at pagaalay ng dugo ng tao at ng hayop.
3. Itong sakripisyo na ito ay ginagawa sa harap ng isang altar.
4. Ang mga kasanib o miyembro ng kulto ay kadalasan ng babasa ng orakulo o sumsambit ng dasal.
5. Ang mga kasanib ay parang mga zombie na sunudsunuran lang.
6. Kalimitan ang grupo o malaking organisasyon ay may pari, maestro o pinuno na nakasuot ng puting sutana.
7. Ang buong organisasyon ay may mga ritwal na sinusunod sa bawat pagtitipon.

Dito pa lang sa komprehensibong kahulugan, kaagad nating malalaman na ang simbahang katoliko at lahat ng relihiyon sa buong mundo ay pawang mga kulto. At kung ikaw ay di nabibilang sa simbahang Katoliko Romano, ang relihiyon mong sinaniban ay totoong isang kulto. Bakit ko nasabi ito?

Kung ang kasaysayan o history ang pagbabatayin natin, ang mga kilalang pangunahing sinaunang relihiyon sa buong mundo ay Hinduismo, Judaismo, Budismo, Taoismo, Katolisismo at Islam.

Ang bawat na relihiyon na ito ay may kanyang-kanyang sariling Bibliya at sumasamba ng kanyang-kanyang sariling diyos.
1. Ang Katoliko at Kristiyano ay gamit ang King JamesVersion bilang kanilang Bibliya.
2. Ang Budismo ay gamita ang Tripitaka,
3. Ang Islam ay ang Koran,
4. Ang Taoism ay ang Tao-Te-Ching
5. Ang judaismo ay ang Torah.

Ang Katoliko ay sumasamba sa Diyos Yahweh, ang Islam kay Allah at ang Judaismo ay kay Elohim.

Sa kabilang banda, ang Taoism, Budismo at Hinduismo ay mayroong isang malaking bilang ng mga lalaki at mga babae diyos at diyosa. Ang Yu-Huang ay diyos ng Taoism. Ang Buddha ay diyos ng Budismo. Ang Khrisna ay isa sa mga diyos ng Hinduismo.

Ngayon kung pagbabatayan natin ang bibliya ng Katoliko, masasabi natin na ang lahat na mga relihiyon na ito ay pawang mga kulto. Bakit?

Sabi sa Exodus 20: “Ako ang Diyos na iyong panginoon … Dapat wala kang ibang diyos na sinasamba kundi ako lamang”.

 

Ang pangungusap na ito na hango sa bibliya ay nagpapatunay lamang na ang diyos ng Islam, Judaismo, Taoismo, Budismo at iba pang relihiyon na di katoliko ay nabibilang sa isang kulto.

 

Ngayon ang tanong: Paano naman ang mga Kristiyano na hindi Katoliko, kulto din ba silang matuturing?

 

Para masagot ito, pagusapan naman natin ang kasaysayan ng simbahang Katoliko Romano?

 

Noong mga kapahunan nina Abraham, Moses at David, ang mga unang relihiyon ay gnostik, judaismo, mitraismo, pauline at iba pang malilit na denominasyon. Nang dumating si Jesu Kristo, doon lamang nagkaroon ng grupo na kung tawagin ay katoliko. At ng ibinigay ni Jesus kay Pedro ang otoridad at unang posisyon ng pagiging unang Papa, ang simbahang katoliko ay nabuo. At ng namatay si Jesus, ang simbahang katoliko romano ay umusbong at naging isang dominanteng simbahan dahil sa kutsabaan ng papa ng simbahan at hari ng palasyo. Ang simbahang katoliko lamang ang may kapangyarihan na magsabi kung ang isang simbahan ay lehitimong o kasapi ng katoliko sa pamamgitan sa pagsunod sa mga utos nito.

 

Subalit, kung ang katoliko ay reformang paksiyon ng Judaismo noon, ang protestante at eastern orthodox ay reformang faction naman ng katoliko. Ang dalawang malaking simbahan na ito, na dati katoliko, ay di masikmura ang mga turo o idelohiya ng simbahang katoliko. Dahil dito sila ay tumiwalag, nagrebolusyon at nagtayo ng kani-kanilang simbahan. At dahil sa radikal na pananaw nila, ang orihinal na turo ng bibliya ay naiba, nadagdagan o nabawasan. Samakatuwid, kung ang orihinal na salita ng diyos (gospel) na tinaguriang banal ay hindi na banal at orihinal, ang tinuturo ng mga radikal na simbahan na ito ay pawang mali at hindi naaangkop sa tunay na utos ng diyos. Dahil dito, ang protestante, orthodox at lahat ng simbahang na walang bendisyon ng unang simbahang katoliko ay pawang mga peke at dapat lang na taguriang mga Kulto.

 

Dahil dito ang ilang nakalistang organisayon ay pawang mga kulto:

  • Hinduism — Unknown, 3000 BC,
  • India Judaism – Abraham, 2085 BC,
  • Middle East Buddhism – Sidhartha Gautama – 560 BC,
  • India Taoism – Lao Tzu – 550 BC,
  • China Roman Catholic – Constantine, 590 AD,
  • Rome Islam – Mohammed – 610 AD,
  • Saudi Arabia Orthodox- Michael Cerularius, 1054,
  • Judea Protestants, Martin Luther, 1517,
  • Germany Swiss Reformed – Zwingli, 1523,
  • Switzerland Anglicanism – Henry VIII, 1534,
  • England Calvinism; Dutch Reformed – Calvin, 1536,
  • Switzerland Presbyterians – John Knox, 1560,
  • Scotland Baptists – John Smith, 1605,
  • Holland Episcopalians – Seabury, 1620
  • Quakers – George Fox, 1647
  • Freemasonry – Albert Pike, 1700,
  • Scotland Shakers – Ann Lee, 1784
  • Methodists – John Wesley, 1739,
  • England Unitarians – Lindsay, 1774
  • Mormons or Latter-day Saints – Joseph Smith, Jr. 1830, USA
  • Christian Church – Campbell and Stone, 1832
  • Seventh Day Adventists – Ellen White, 1860, USA
  • Jehovah’s Witnesses – Charles Russell, 1870, USA
  • Salvation Army – Rev. General William Booth, 1865,
  • England Christian Science – Mary Baker Eddy, 1879, USA
  • Unity School of Christianity – Fillmore, 1889
  • Pentecostals – Charles Parham, 1906, USA
  • Iglesia ni Kristo– Felix Manalo, 1914, Philippines
  • Worldwide Church of God – Herbert W. Armstrong, 1934, USA
  • Unification Church – Sun Myung Moon, 1954,
  • South Korea Scientology – Ron Hubbard, 1955, USA
  • Church of Satan – Anton LaVey, 1966, USA
  • Hare Krishna – Swami Prabhupada, 1968, USA

Ngayon naman, talakayin natin kung bakit ang simbahang katoliko ay isang kulto din!

Mga Palpak sa Bibliya. Thursday, Jan 26 2012 

by Lawsinismo

Ang Bibliya ay ang kaisa-isang katibayan lamang na nagsasaad na may diyos. Wala ng iba pang ebidensiya na magpapatunay kung may diyos nga. Dahil sa paniniwala sa banal na libro na ito, ang konsepto ng Diyos ay nabuo sa kaalaman ng tao.  Subalit, di alam ng maraming manannampalataya ang bibliya ay napakaraming pagkakamali. Kung ito ay ginawa ng isang perpektong diyos, dapat walang bahig na isa mang pagkakamali sa mga nakasulat dito. Bago natin pagusapan ang mga pagkakamaling ito, talakayin muna natin ang ibat ibang libro sa luma at bagong tipan o testamento.

Ang Lumang Tipan kumpara sa Bagong Tipan:

Mga aklat ng Lumang Tipan:
Genesis, Exodus, Levitico, Mga Numero, Deuteronomio, Josue, Hukom, Ruth, 1 Samuel, 2 Samuel, 1 Kings, 2 Kings, 1 Chronicles, 2 Chronicles, Ezra, Nehemias, Esther, Job, Awit, Kawikaan, Ecclesiastes, Song ng Solomon, Isaias, Jeremiah, pagpipighati, Ezekiel, Daniel, Hosea, Joel, Amos, Obadiah, Jonah, Micah, Nahum, Habakkuk, Zephaniah, Haggai, Zacarias, Malachi.

Mga aklat ng Bagong Tipan:
Mateo, Mark, Luke, John, Gawa, Roma, 1 Corinto, 2 Corinto, Galacia, Efeso, Filipos, Colossians, 1 Thessalonians, 2 Thessalonians, 1 Timothy, 2 Timothy, Titus, Hebreo, Philemon, James, 1 Pedro, 2 Pedro, 1 Juan, 2 Juan, 3 Juan, Jude, Apocalipsis.

Ang Biblia ay hindi isang solong libro. Kung titignan natin ang luma at bagong tipan, ang banal na libro ay binubuo ng maraming libro na  pinagsama sa ilalim ng isang solong pamagat “Ang Bibliya”. Ito ay isang koleksyon ng mga iba’t-ibang mga libro na sinusalat ng ibat-ibang mga may-akda sa Hebrew, Griyego at Arameik.

Ang lumang tipan, na kung saan ay binubuo ng 46 na mga libro, ay sinulat sa Hebrew. Ang ilang mga bahagi nito ay orihinal na nakasulat sa Arameik. Samantala, ang mga libro sa bagong tipan ay binubuo ng 27 libro at ito ay sinulat sa Griyego.

Ang mga  Hebrew, lalo na ang mga Hudyo na naniniwala sa Hudaismo, ay kumukilala lamang sa 39 libro na kung saan ay hinati sa tatlong pangunahing mga kategorya: Ang Batas, Ang mga Propeta at ang Kasulatan. Ang unang limang libro, na ang tawag ay Pentatyuk o Torah, ay sa pangkalahatan kinikilala upang isama ang mga materyales mula sa hindi bababa sa apat na iba’t ibang pinagmulan; ang Yahwist, Elohist, Deuteronomist at Priestley. Ang Torah ay isang prophetik na libro na kagaya ng Koran ng Islam, Avesta ng Zoroastrians, Adi ng Sikhs, at iba pang mga sinaunang panunulat na pinagsama-sama bilang isang solong kasulatan at naging bahagi ng Lumang Tipan.

Sa kabilang banda, ang Romano Katoliko at Simbahang Orthodox  ay may dinagdag pang pitong libro sa kanilang mga Biblia. Ang mga libro na ito ay: Judith, Wisdom, Ecclesiasticus, Baruch, Tobit at Maccabbes 1 & 2. Samantala, ang Protestante ay may ikapitong libro na sinama,  ang “Apokripiko”. Ang Katoliko Iglesia naman ay kinikilala ang oral na tradisyon at banal na paghahayag o mga kasulatan ng mga tao noong panahon noon. Sa kabilang banda, ang mga Repormistang Protestante ay gusto lamang sundin kung ano na mismo ang nakasulat sa Bibliya at isangtabi ang oral na tradisyon.

Ang Bagong Tipan ay hindi bahagi ng Jewish Bibliya o ng Lumang Tipan. Ang bagong tipan ay dinagdag laman sa lumang tipan ng mga Romano sa ilalim ni Constantino. Si Constantine, na isang Mithraist bago siya naging Kristiyanismo, ang nagdesisyon kung  aling mga libro ang dapat ilagay sa Bibliya. Hindi ang Diyos o si Jesu Kristo o kahit sinong disipulo ang nagpanukala sa paggawa ng bibliya. Ang kaganapan ng pagsasama sama ng luma at bagong tipan, namaybahid pulitika,  ay naganap sa Konseho ng Nicea noong 325 AD.

Dalawang pamantayan ang sinunod ng konseho sa paglimbag ng bibliya:
1. Ang konteksto ng libro ay dapat na isang pagpapatuloy ng mga paniniwala ng mga Jewish at dapat isulong ang mga aral ng Lumang Tipan.
2. Ang Bagong Tipan ay isinama sa lumang tipan para ilagay ang istorya ni Jesus na anak ng diyos. (Tandaan na ang mga Hudyo ay hindi naniniwala na si Jesus ay ang anak ng diyos). Dapat din nakatala sa bibliya ng Katoliko ay ang mga libro na sinulat kuno ng apat na apostoles. Dito, si Kristo mismo ay walang sinulat na kahit na isang kataga sa buong bibliya.

Narito ang mga pagkakaiba sa pagitan ng Lumang Tipan at ang Bagong Testamento.

Ang Lumang Tipan, ang orihinal na Banal na Kasulatan at ang bibliyang ginagamit ng mga Jewish, ay kinikilala ang mgs sumusunod na paniniwala:
1. Iisa lang ang Diyos. Wala ng ibang diyos. Si Jesus, si Maria o kahit na sinong santo o santa ay linihka lamang sa sa bagong Tipan. Di sila talaga kasama sa lumang tipan.
2. Ang pangunahing moral virtues ng Judaism ay hustisya, pagkakapantay-pantay at katuwiran.
3. Ang libro ay kumikilla din sa pagdating ng isang Mesiyas bilang isang tao at hindi banal.
4. Ito rin ay nagtuturo sa pagtubos ng kasalanan ngunit hindi kaligtasan mula sa isang Jesus.
5. Ito rin ay nagtuturo na ang  Diyos ay hindi maaaring matarok o malalarawan ng sino mang nilalang.
6. Nagtuturo din ito ibahagi ang malaking parte ng oras sa paggawa ng mga mahusay na gawain.
7. Ang mabuting gawa ay katumbas ng kabanalan. Hindi sila naniniwala na ang tao ay makasalanan.

Sa Bagong Tipan, isang hiwalay na libro na dinagdag ng Kristianismo sa lumang testamento, ay pinaniniwalaan ang mga sumusunod:
1. Si Jesus Cristo ay kinikilang diyos din. Pati si Santa Maria, San Jose at iba pang mga reliyosong martir.
2. Ito ay nagtuturo ng kaligtasan, kung saan ang mga Kristiyano ay masasalba mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng sa pagdating ng “Anak ng Diyos” sa lupa.
3. Kinikilala ang Anak ng Diyos bilang parehong tao at banal.
4. Sila rin ay naniniwala sa Apocalipsis na kung saan ang anak ng diyos lang ang masasalba
5. Ang Kristiyanismo ay palaging inaaalay ang malaking oras sa pagkolekta ng mga abuloy at pangaakit ng mga bagong miyembro ng simbahan
6. Ang Kristiyanismo ay naniniwala sa pag-asa ng mga gantimpala at takot sa parusa at sa afterlife na  ipinangako sa kanila ni Jesus.
7. Sa kabilang banda, ang mga Katoliko Iglesia ay naniniwala sa “pitong masasamang kasalanan” na sa totoo lang ay di galing sa bibliya kundi sinulat lamang ng kampo ni Konstantino. Ito ang “seven deadliest sins”:
1. Katakawan
2. Pagmamataas
3. Inggit
4. Galit
5. Libog
6. Katakawan
7. Kupad

Bubusisiin ko rin dito ang mga sumusunod:
1. Kung bakit ang “Pitong Araw ng Paglikha” ay isang istorya na maraming kamalian.
2. Isasawalat ko rin dito ang mga hayop na di totoong nanirahan sa lupa.
3. Ang pitong diyos na sinasamba sa bibliya.
4. Ang kasamaan ng Diyos at ni Jesus.
5. At bakit ang Kristiano ang totoong anti-kristo at di si satanas.

 

Disclaimer: Ang mga artikulo sa site na ito ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas sa lugar na ito para sa mga bagong tala. Kung nais naman nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng intelehenteng talakayan o pagaaral, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda ito sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na: Atheista: Filipino Edition, Lawsinismo, 2000, USA.

Salbaheng Diyos! Wednesday, Jan 25 2012 

by Lawsinismo
 
Sino ang mas maraming pinatay: si Satanas ba o ang Diyos?
 
A}. Gaano ba karami ang pinatay ng Diyos?

2.1) Gen 7: Ang Great Flood ni Noah

18 At ang tubig ay tumaas, at lubos na dumagdag sa lupa, at ang arko ay nagpunta sa kaitaas taasan ng tubig. 19 At ang buong kalupaan, at ang lahat ng mga mataas na bundok, at sa ilalim ng buong kalangitan, ay lubhang lubog sa tubig. 20 labinlimang cubits paitaas ay nagingibabaw; at ang mga bundok ay sakop din. 21 At ang lahat ng buhay ay nangamatay sa lupa, pareho ng ibon, at ng mga baka, at ng mga hayop, at ang mga bagay na gumagapang sa lupa, at bawat tao: 22 At ang lahat na may ilong para makahininga ng buhay, ng lahat na nasa lupa ay mamamatay. 23 At ang bawat buhay sa mukha ng lupa, kagaya ng tao, at baka, at ang mga gumagapang na mga bagay, at ang ibon ng langit, lahat sila ay ililibing sa lupa: at si Noah lamang ang mananatiling buhay, at sila ay kasama ko sa arko. 24 At ang mga tubig sa lupa ay magtatagal ng isang daan at limampung araw. (Tinatayang namatay: bilyon-bilyon)

2.2) Exo 12: Ikasampung salot: Ang Kamatayan ng Unang Ipinanganak

29 At dumating ang oras, na sa hatinggabi pinatay ng Diyos ang lahat ng bagong unang panganak sa lupain ng Ehipto, mula sa unang anak ng hari na nakaupo sa kanyang trono at ang mga batang bihag na sa piitan, at ang lahat ng mga unang anak ng mga baka. 30 At ang hari ay nagising ng gabing iyon, siya, at lahat ng kanyang mga katiwala, at ang lahat ng mga Ehiptos, at nagkaroon ng isang malakas na iyakan sa Ehipto; dahil wala man lang ni isang bahay na di man lang namatayan ng anak. (Tinatayang pagkamatay: daan-daan)

Sa dalawang halimbawa pa lang na ito, makikita na natin kung gaano karami ang pinatay ng Diyos. Ngayon, tignan naman natin kung si Satanas ay pumatay kahit na isang kaluluwa sa buong Bibliya. Makikita natin na di siya pumatay kahit isang tao. Subalit ang kanyang ginawa lang ay pinsalain ang isang tao sa utos ng panginoon.

B}.  Gaano karami ang pinatay ni Satanas?

3.1) Job 2:  Ang sabwatan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas para saktan si Job.

6 At ang sabi ng Diyos kay sa Satanas, “Ayan, nasa iyong kapangyarihan mo na siya; lamang itinira mo lang ang kanyang buhay.” 7 Sa harap ng Diyos, sinunod ni Satanas ang utos na lagyan si Job ng mga malubhang pigsa mula sa ilalim ng kanyang mga paa hanggang sa korona ng kanyang ulo”.

Itong libro ni Job ay nagpapatunay lamang na si Satanas ay walang pinatay na kahit na isang tao. Ang isang bagay na ginawa niya lang ay saktan si Job dahil sa utos mismo ng Panginoon.

Kabastusan ni Kristo! Wednesday, Jan 25 2012 

by Lawsinismo
 
Ang Bibliya ay laging itinatanghal bilang banal na libro. Subalit, may dalawang panig ng katotohanan sa likod ng librong ito. Nakasulat dito ang magandang imahen ng Diyos at ni Jesus, at hindi alam ng nakakaraming mananampalataya na ito rin ay naglalahad ng mga kasamaang ginawa ng Diyos at ni Jesus sa tao.Gayunpaman, dahil ang maluwalhating asal ng dalawang pangunahing karakter ay alam na ng maraming namamanampalataya, hindi ko na talakayin ang kanilang mga magagandang paguugali dito. Sa halip, pagtutuunan na lang natin ng pansin ang ilan sa kanilang mga masasamang intensiyon at paguugali.Unahin muna natin ang mga kabastusang ginawa ni Jesus sa kanyang magulang at pakatapos iprepresenta ko kung ilang tao ang pinatay ng Diyos at kung meron nga ilan ang pinatay din ni Satanas? 

A} Ang pagdisrespekto ni Jesus sa kanyang ina, ama at sa namatayan:

1.1) Lucas 9: 59-60: Ang pagdisrespekto ni Jesus sa kamatayan ng isang ama

Ang alagad dito ay humihingi ng pahintulot kay Jesus kung siya ay pwedeng pumunta sa kanyang bahay upang bayaran ng paggalang ang kanyang patay na ama. Subalit si Jesus ay tumanggi sa kanyang kahilingan at mabagsik na sumagot pabalik at sinabi: “Hayaan mo ang maypatay ilibing ang kanilang mga patay, humayo ka at ipangaral mo ang salita ng diyos”.

1.2) John 2: 1-5: Ang pagdisrespekto ni Jesus sa kanyang ina sa maraming tao

1 Sa ikatlong araw nagkaroon ng isang kasal sa Cana ng Galilee, at ang ina ni Jesus ay nandoon. 2 Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay iniimbitahan din sa kasal. 3 Nang ang alak sa banga ay naubos na, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kanya, “Anak wala na tayong alak.” 4 At si Jesus ay sumagot, “Babae, ano ang magagawa ko? Ang aking oras ay hindi pa dumating.” 5 Ang sabi ng kanyang ina sa mga katulong, “Kung ano ang sinabi niya gawin nyo na lang”.

1.3) Matthew 10: 35-37: Si Jesus ay nagtuturo ng dibisyon sa pamilya

35 “Dumating ako para ipakita ang pagkakaiba ng tao laban sa kanyang ama, at ng anak na babae laban sa kanyang ina, at ng anak na babae laban sa kanyang biyanan. 36 At ang kaaway ng isang tao ay dapat maging miyembro ng kanyang sariling sambahayan. 37 Kung sino sa inyo ay nagmamahal ng labis sa inyong ama o ina higit pa kaysa sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin: at siya na labis na nagmamahal sa kanyang anak na lalaki o anak na babae higit pa kaysa sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin ”

1.4) Luke 2: 48-49: Ang pagdisrespekto ni Jesus sa kanyang mga magulang

48 Nang makita si Jesus ng kanyang magulang, sila ay nagulat, at kanyang ina ay nagsabi, “Anak, bakit mo itinuturing kami sa ganitong paraan, ang iyong ama at ako ay balisang naghahanap sa iyo?” 49 At sumagot si Jesus sa kanila, “Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi mo ba alam na ako ay dapat sa bahay ng Aking (tunay na) Ama?”

 

Ano ba ang Atheismo? Tuesday, Jan 24 2012 

by Lawsinismo

Ang Atheismo ay ang pagtanggi ng paniniwala sa pagkakaroon ng Diyos o mga diyos. Ang salitang ateismo ay nagmula sa salitang Griyego na ἄθεος (atheos), na ang ibig sabihin ay “walang diyos”. Sa isang malawak na kahulugan, ang ateismo ay partikular sa posisyon na hindi ang diyos ang lumikha sa lahat ng mga bagay.

Ang mga artikulo na tatalakayin dito ay ang mga sumusunod:

1. Sino o ano ba ang lumikha sa buong sanlibutan?

2. Paano linikha ang tao, ang mundo and kalawakan?

3. Saan ba tayo galing? Bakit ba tayo nilikha?

4. Mayroon bang patunay na may Diyos?

5. Mayroon bang patunay na walang Diyos?

6. Bakit si Jesus ay ang anti-kristo?

7. Ang pangalan bang Jesus Kristo ay nasa bibliya?

8. Sinabi ba ni Kristo na siya ay anak ng diyos?

9. Kung si Kristo ay kalahati tao kalahati diyos, siya ba ay isang demigod?

10. Ano ba ang nauna: Judaism o’ Chistianism?

11. Saan ba galing ang Old Testament? Sino ang mga sumasamba dito?

12. Saan ba galing ang New Testament? Sino ang mga sumasamba dito?

13. Bakit ang OT at NT ay pinagsama? Anong version ang ginagamit mo ngayon?

14. Paano ba nasalin ang bibliya mula hebrew, greek, german at latin?

15. Saan ba galing ang “seven deadliest sins”?

16. Saan ba nagmula ang konseptong diyos o anak ng diyos?

17. Ilan ba ang pinatay ni satanas kumpara sa pinatay ng diyos?

18. Si Virgin Mary ba ay naging virgin mulat mula? May ibang anak ba siya?

19. Ilan ba ang diyos na sinasamba sa bibliya?

20. Ano ba ang “The Nicene Creed”? Sino si Constantine?

Tatalakayin din dito psychologically kung bakit ang systema ng paniniwala sa isang diyos ay isa sa mga rason kung bakit ang pilipinas ay kabilang sa third world country, isang bansang mahirap na malayong umunlad dahil sa maling paniniwala. Paguusapan din dito ang mga kasulatan sa bibliya na humahadlang sa asenso ng bansa dahil sa mga pananakot ng kaparusahan, paghihirap at kamalasan habang buhay ng isang tao dahil sa pagsuway sa utos ng diyos, ang pagpunta sa impiyerno dahil sa kasalanan na nagawa, at iba pang pananakot, indoktrinasiyon o brainwashing na minulat ng simbahang kristianismo.

At ang panghuli … matanong nga kita …. may humigit kumulang na 34,000 relihiyon sa buong mundo na sumasamba sa ibat ibang diyos …. Bakit mo nasabi na ang relihiyon mo ang tunay na Relihiyon at ang diyos mo ang tunay na Diyos? Paki-explika nga po!

Disclaimer: Ang mga artikulo sa site na ito ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas sa lugar na ito para sa mga bagong tala. Kung nais naman nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng intelehenteng talakayan o pagaaral, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda ito sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na: Atheista: Filipino Edition, Lawsinismo, 2000, USA.